|
They say that the end of the sem is the best thing that can ever happen sa buhay ng isang estudyante. Exams are all over, the 8hour sleep prescribed by docs can finally be achieved, you can splurge on food without thinking of allowances going zero. The end of the sem is a bliss, a utopia of dreams that you have been creating ever since the sem started.
Pagod na ako. Hindi ko alam kung ano ba ang uunahin, ang pagtulo ng luha o ang pagtipa sa keyboard na parang extension na ng utak ko. Tuloy tuloy na pagagos ng thoughts na hindi ko man lang alam kung pinagisipan ba o hindi. Parang mga reflex thoughts na hanggang spine lang abot, parang sadness na hinayaan kong hanggang doon na lang, para hindi maginterfere sa mga fresh health policy and education thoughts para sa exam ko kanina.
Pagod na pagod na ako. At hindi pa matatapos ang sem na to. Sa susunod na linggo, presentation na ng thesis namin. At sa tuwing naiisip ko lahat ng mga possible stressors sa buhay ko, hindi ko na mapigilan ang lacrimal gland ko, kusa na lang cya magpapansin, kahit sa public place, kahit saan.
Hindi ko alam kung anong dapat ko gawin para maibsan ung kalungkutan at pagod na nararamdaman ko, parang im at the end of the road where I have no choice but find another way out pero kahit anong gawin ay walang mahanap. Alam ko kapag nauubusan na ako ng pag-asa kasi kahit ako na magaling magpep talk ng mga taong nawawalan ng loob, ay hindi na magawang palakasin ang sarili nya at sabihing 'kaya pa'.
Kinulang ako ng kaunting puntos sa clin chem, kaunting puntos na siguro, maaring magbago sa buhay ko, hindi ko nga alam kung panghihinayan ang nararamdaman ko, hindi naman kasi ako regret person, alam ko na lahat ng nangyayari ngayon ay dulot ng mga choices na ginawa ko before. Parang sa test, hindi ko pinagsisisihan na A ang sagot ko, kahit mali ito. Sabi ko nga kanina, yun na ang best ko. At ang best ko, siguro hanggang dun na lang, hanggang sabit.
Tapos na ang sem, pakiramdam ko, kung may isang aspeto ng buhay ko na masasabi kong panalo ako, yun na siguro ang fact na may kasabay akong kumain ngayon ng lunch, pagkatapos ng isang napakastressful na umaga, pagkatapos gumawa ng rush poster sa HPEd, pagkatapos magexam, pagkatapos malaman na hanggang ngayon, hanggang sabit pa rin ang best ko.
Maybe I will ge t over. I always get over. Just let me rant now. I'll make it. Tomorrow I'll be fine.
Promise jow.. I promise.
_*blink
|