|
3x.
Ngayong araw, iniyak ko ang ikatlong set ng mga luha na reserved para sa thesis. Sa mga bibihirang okasyon mo lang ako makikitang umiyak. Sa pagkakatanda ko, ang unang luhang iniyak ko consciously ay nung mamatay si lola. Ang ikalawang conscious tear ay nung gusto ko na magpakamatay dahil sa stress na dulot ng senior life ko sa science high school. Ang mga random tears ko naman ay dahil lang sa simpleng mga bagay, kagaya ng innate crying nung bata o kapag nadadala sa maalaala mo kaya o kahit anong korni na drama sa tv o sa pelikula.
At ngayon, ibinibigay ko ang trono ng aking pagluha sa thesis at sa lahat ng mga bagay o taong kadikit nito.
Ang labo. Naiyak ako ng malaman ko na allergic si jansil sa maraming mga bagay. Naiyak ako ng malaman ko na araw-araw siyang nakaanti-histamine, iniinda lahat ng hilo para pumasok sa school at gawin ang mga responsibilidad bilang estudyante. Mas naiyak ako ng malaman ko na hindi cya bibili ng tiket pauwi sa probinsya nila sa mindanao. At simula ng sandaling yon, humanga at rumespeto ako kay jansil.
Naiiyak pa rina ko hanggang ngayon, siguro dahil pinigilan ko ang mahabang stream ng luha ko kanina sa harap nila. Siguro kasi sa panandaling panahon, hinayaan kong makita ng mundo ang pagluha ko. At sapat na yon para sa akin, sapat na ang maliit na bintanang binuksan ko kanina para kumawala lahat ng hinagpis na nararamdaman ko.
Sanay ako sa pagod, pero hindi ako sanay ng ganito. Sanay akong mag-isa, pero hindi ako sanay na umasang may kasama. Kaya ko mag-isa, pero hindi ko kayang magkaroon ng kasama pero manatiling mag-isa. _*blink |
| Leave a Comment: |