Entry: takot sa pusa Thursday, October 08, 2009



Takot ako sa pusa. At ang gabi na to ang nagpamulat sa akin ng extent ng takot ko sa kanila. At kung bakit love na love ko ang Comparative Anatomy Lab kung saan kinakalkal namin ang lamang loob nito, ang tanging paraan para makaganti ako sa lahat ng kasamaang dulot nila sa buhay ko.

 

Takot ako sa pusa. At hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagpintig ng puso ko dahil sa mga naganap ilang minuto lang ang nakalipas. 2AM, pauwi na ako ng dorm, papasok na sana, pero may nakaharang na pusa sa tanging daanan papasok ng dorm. Ang sama ng tingin ng pusa sa akin na para bang may masama cyang balak, pakiramdam ko, para akong daga kanina na kapag lumapit, ay biglang susunggaban at hindi na makakawala.

 

Paikot ikot ako sa paligid ng dorm, nagdarasal na umalis na ang pusa sa daan. But no, nanatili cya doon. Habang pumapatak ang mainit na pawis mula sa noo ko, habang sumisilip patago mula sa isang poste sa malayo, nakita ko na hanggang s apuwesto ko ay naabot ako ng tanaw ng nakakatakot na pusang iyon. Sa totoo lang, ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko.

 

Tumawag ako ng tulong mula sa mga waiters ng Sinangag Express. Sabi ko, kung pwede nila hawiin ang pusa na humaharang sa daan papunta sa dorm. Pero pinagtatawanan lang nila ako, napahiya lang ako, ayaw nilang maniwala na takot ako sa pusa, pinagtawanan lang nila ako na parang nakatira lang ako ng shabu at gumagawa ng dahilan para magkaroon ng outlet ng kabangaggan.

 

Sawi ako sa paghingi ng tulong kaya muli akong sumilip sa daanang yon. Wala na ang nakakatakot na pusa, napaltan na ito ng isang mas maliit na itim na pusa. Na hindi mashadong masama ang tingin,. Kaya naman dali dali akong pumasok, nagdarasal na wala sa kalooban ang pusang kinakatakutan, at na hindi sundan ng maliit at potential na mamatay tao ng pusa na nakita ko seconds before.

 

At yan. Fuck. Kahit ung pagsusulat ko naapektuhan ng takot ko.

 

 

   1 comments

hahaha
October 8, 2009   01:56 PM PDT
 
ur funny.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments