|
Minsan, naiisip ko, wala na ba talaga akong ibang sasabihin sa blog na ito kung hindi ang magreklamo sa kapaguran na nararamdaman ko, na wala bang katapusan ang mga drama-dramahan sa buhay at kung kailan ba mauubusan ng kwento si ako.
Pero minsan lang yon, kasi mas naiisip ko na isa sa mga natitirang bagay na nakakapagparamdam na isa pa rin akong human being (kahit 1% lang) ay ang blog na to.
Hindi kagaya ng partner in life na kapag kinalimutan mong i-love you o pansinin ng matagal, unti-unting mawawala at magdridrift away from the relationship, ang blog, walang choice kung hindi tanggapin ng tanggapin lahat ng suka (mapatotoong suka man yan o sa pormang letra) ng buhay na madalas ay walang kwenta.
So gagawin ko na ang favorite at nagiisang bagay kung bakit buhay pa si blink (ang tanggapin ang binubugang apoy mula sa kaibuturan ng kung ano man ni jow):
IM ALIVE. But I am dead inside.
Woohoo. Alive alive alive forever more.
_*blink Baliw lang. |
| Leave a Comment: |