Image hosted by Photobucket.com




Photobucket

akosiblink. matalino daw. mayabang din. walang coherence. lost kapag walang assurance. padeep at kunwari profound. magaling mag-advise ala doctor love pero zero ang love life. laging nagdedaydream. pagod kapag walang stress. at walang energy kapag walang exam. kaya nga sa age na 20, isa siyang froggie MD-PhD student sa UP College of Medicine. hindi rin siya mukhang scientist in person.



Photobucket

[ pst pansit ]


<< June 2015 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



 
Saturday, September 11, 2010
gulong ng palad
good news: highest ako sa epidemiology exam. mean grade ng class=61. minimum=35. maximum=85. so yeah, something to be proud of, when last year, when i took my first epid exam, i only got 70-ish.

bad news: lowest ako sa biochem exam on proteins. 79/110.

gulong ng palad it is. nakuha ko yung results in one day, so parang ako, i dont really know what to feel. imagine being elated for a moment then feeling major major down hours after. same old, same rants, kasi sa totoo lang, i thought i knew it all about proteins, i thought i understood every major concepts. then poof. no pala. lesson: don't be complacent. it's not possible to know everything, and learning is endless, you can never be that ready for a biochem exam. haha

actually, feeling ko naman understandable na makaramdam ako ng ganoon. the im-such-a-failure feeling. nagbiochem na kasi ako before, at sa totoo lang, isa ako sa top performing students noon sa biochem. sa klase namin sa PH (n=60), sampu lang kaming naexempt. sabi sakin ng isang kaibigan, wag ko raw icompare ang grado ko sa iba dahil unfair yun. pero inevitable naman ang comparison, naniniwala ako na once you realized na you're not good enough and you could perform better, strive harder.

naalala ko dati, sa scholar's convocation ng university, may lumapit sa akin pagkatapos ko tumanggap ng certificate bilang university scholar, sabi nya "matalino ka pala". nakakatawa lang. mukha kasi akong bobo. LOL

hindi ako magpapakaimpokrito para sabihin na minsan ay hindi ko nafeel ang pagiging competitive. masarap ang pakiramdam na highest sa exam, na sa gitna ng mahirap na exam ay malalaman mo na mataas ang nakuha mo kumpara sa iba. pero ngayong MD-PhD na ako, wala na naman akong dapat patunayan pa. kailangan ko lang husayan, pero ang kahusayan naman ay hindi katumbas ng uno o pinakamataas na grado.

bukas, ang pinakamahalaga pa rin ay ang mga relasyon na nagawa mong mapalago, ang mga bagay na natutunan mo sa labas ng klase, ang mga realisasyon sa buhay na hindi maituturo ng mga propesor mo. hindi repleksyon ng tunay na kahusayan ang grado.

yan. pero marahil, sinasabi ko lang yan kasi mababa ang nakuha kong grade. tingnan mo bukas, kapag highest na naman ako, ang yabang ko na naman.

sabaaaaw.

blink

PS hmm, no life for the next weeks. tambak ang journals na dapat basahin for my research proposal. at ang daming exam. wee. :))

Posted at 06:04 pm by uno_faddens
STILL NOT GETTING ANY BETTER  

 
Tuesday, September 07, 2010
rumerest after chapter1
nakakapagod ang araw na ito. pero sanay na ako sa pagod. sanay na ako sa nangangalay na utak at panis na laway. sa nagtwitwitch na eyelid dahil sa sobrang kape. at higit sa lahat, sa matagal na hindi paggalaw sa upuan dahil sa pagaaral. pero iba ang pagod ko today, napagod ang gastrocnemius ko sa paglalakad.

bilang isang mabuting member ng org, may inorganize kaming event kanina, 12-1pm ito. payag ka, 11.30 na ako nagising. at dahil hindi ko mahindian ang tawag ng twitter, ayun, ang tweetdeck kasi, masyadong amazing. haha. in short, nacompromise ang hygiene ko para isaalang alang ang event namin. HAHA. bow.

pero despite the 5min shower, bumawi naman ako sa wardrobe. hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero extra gwapo raw ako today. ang daming nagsabi, ewan ko lang kung niloloko lang nila ako or what. mukha raw akong korean. ang nasa isip ko, given na yun. i think dahil sa damit ko. haha.

nagpunta rin akong bank kanina. can i just say na naeenjoy ko talaga ang pagpunta sa bank kasi it makes me feel sooo err, financially stable. haha in a way, you can say that i am kasi im not asking money from my parents anymore, and i manage my finances all by myself. salamat stipend natututo ako sa buhay. ako na ang huwaran. :) sabi nga ni grace na sister ko sa sorority, mdphd students are the new yuppies. so yehey for that.

after that, hinintay ko ang roommate ko na super tagal sa robinsons kya naman pagdating nya ay major pagod and gutom na ako so kumain/lumapang kami sa TOSH. ang sarap sarap. ayan ang nangyayari kapag nagsandwich lang for lunch. :))

dahil ang dami kong naachieve kahapon, wala akong ginagawa ngayon. natapos ko na ang chapter 1 ng research proposal ko, though hindi ko pa ito nasusubmit dahil hindi ko naabutan ang adviser ko sa office nya. kaya nakakaramdam ako ngayon ng complacency na hindi naman talaga dapat. hello, may rrl pa na pinakamadugo of all. HAHAHAHA.

so yun. i just shared na im chilling to the max and that i should be doing something. do you think i deserve this rest? HAHA.

blink

Posted at 08:31 pm by uno_faddens
STILL NOT GETTING ANY BETTER  

 
Sunday, September 05, 2010
blessing in disguise
sabi sakin ni charles, isang kaklase sa MD-PhD, baka raw blessing in disguise ang pag-ulit ko ng labexperiment, at baka raw 2,000 ng/ul pa ng DNA ang maextract ko from my snail sample. Noong gabi na sobrang fucked up ng buhay ko, tinry ko isipin na baka nga posible na blessing in disguise yon, pero kapag you're flat on the floor, mahirap talaga maging optimistic.

kinabukasan, pumasok ako ng maaga sa lab. kung kilala mo ako, sasabihin mo siguro "wow". yep, ako ang estudyanteng never pumasok sa tamang oras, laging late, or pwede rin namang, laging absent. im tardy like that. but yesterday was different. siguro dahil sinusubukan kong i-redeem ang sarili ko after failing big time the day before. ganoon pala ang pakiramdam na pumasok ng maaga, ang tahimik. ganoon pala ang pakiramdam ng gumawa ng laboratory experiment magisa, walang kaagaw sa reagents, walang pressure dahil nakikita mo ang pagmove forward ng mga kaklase mo habang ikaw ay nagstrustruggle maghanap ng meaning sa mga experiments, ganoon pala kasarap maglab magisa, nagagawa ko pang sumayaw habang minimix ang reagent sa loob ng reaction tube gamit ang vortex.

parang akin ang lab noong araw na iyon, parang walang karapatan ang iba kong mga kaklase na guluhin ang mundong masikip para sa aming lahat. natapos ko rin ang experiment, nagawa kong makahabol sa kanila, at nang lumapit ako sa prof ko para sabihin na natapos ko na ito, ang sabi nya "pawis na pawis ka ah", eh hello naman, ikaw ba naman ang pumasok ng maaga pagkatapos malungkot ng bonggang bongga the night before, ewan ko na lang kung hindi ka mastress dibaaaa?

and i btw, naka500 ng/ul ako ng DNA, from 7ng/ul ng original na ginawa ko, umadvance ako ng todo todo. at nagalit din sakin si charles, kasi sya na ang may lowest dna concentration dahil maganda ang results ko. HAHAHA. kasi naman binati mo pa na blessing in disguise ang pagulit ko eh. HAHA.

AT higit sa lahat, ako ang may pinakamagandang band ng electrophoresis na naproduce! ako na ang may naproduce na pure amplified DNA! yahoo.

gusto ko sana ipost dito ang electrophoretic bands na naproduce ko, but then again, ang nerdy na non. so no. :) nvm. all you have to know ay, ang failure ay tunay na blessing in disguise.

blink

Posted at 01:00 pm by uno_faddens
STILL NOT GETTING ANY BETTER  

 
Thursday, September 02, 2010
crappy day in gradschool
sabi ko sa sarili ko pagkatapos ng lab, ...

wala pala akong masabi sa sarili ko. kusa na lang gumalaw ang mga paa ko paalis sa lugar na iyon, sinusubukang izone out lahat ng mga pangit na nangyari sa araw, sinusubukang balikbalikan ang mga natitirang magagandang alaala, pero FAIL. EPICFAIL.

hindi ako makamove forward ngayon at ang tanging paraan lang siguro para gumaan ang pakiramdam ko, ang bumalik sa fighting stance ay ito. ang sabihin kung gaano ako kamalas today.

accident-prone ako. given na yan, diosko, after ko ba naman mabugbog ng walang ginagawa, may mas tatapat pa ba doon? today, umiral na naman ang pagkaaccident/malas prone ko, at talaga nga naman ang tadhana, when it rains, it pours. sabay sabay ang problema.

nawala ang snail sample (genomic DNA) that i extracted last week sa lab. therefore, wala akong irurun for visualization of bands sa electrophoresis. therefore, major benggang bengga na naman ang naganap from my lab prof. at nung matanggap ko na na singko na ako at masisipa sa MD-PhD, sabi ng prof ko na ulitin ko nalang raw.

nagbargain ako earlier, sabi ko, baka pwedeng magpractice nalang ako gamit ang DNA ng iba at kahit iyon na lang din ang irun ko sa electrophoresis. hindi sya pumayag. sabi nya, hindi naman iyon ang dahilan kung bakit kami maglalab, layunin nito na makapagproduce kami ng isang research paper. sabi ko sa sarili ko, hindi ba't mas mahalaga na matuto kami? pero hanggang doon lang yun, inulit ko lahat dahil iyon ang tama, dahil kahit anong digmaan ang maganap sa loob ko, alam kong tama ang guro ko.

muntik na rin mawala ang PCR product ko, pero buti nalang hindi.

i know mukhang simple lang siya pakinggan pero try mo kasi isearch sa google pano magextract ng dna at kung gaano sya kademanding, masakit sa loob, frustrating at lahat lahat na.

today's very humbling. narealize ko na i could fail any time. sa totoo lang, nangyari naman lahat yan dahil sa kapabayaan ko. dahil din sa kapabayaan na yan, nakasira ako ng isang machine sa lab. buti nalang fuse lang ang dapat ko palitan. hindi ko alam na bawal pala isaksak ang 120V sa 220V. ako na ang tanga. pero pasensya na, sobrang sabaw ko na kaya. ikaw ba naman magulit ng dna extraction.

i kinda feel better now. umiinom ako ng milk ngayon. sabi ng friend ko, baka makatulog ako. sabi ko sa kanya, its the only thing that could soothe my mind.

sabi nya, yosi kaya.

therefore, magyosi ako later. HAHA

blink

Posted at 08:29 pm by uno_faddens
STILL NOT GETTING ANY BETTER  

 
Wednesday, September 01, 2010
1.0 is sweet
i got my first uno in gradschool! yehey. dahil dyan, pwede na ako magkatres for biochem! HAHAHAHAAAAAA

namove ang exam namin dahil hindi natuloy ang lecture ni mam dahil sumakit ang ulo nya so yeyeyey! more time to go to the library and study and look for relevant literatures which i wont be able to do if our exam in biochem is tuloy nextweek. downside, its sabay with our epid exam but kebs, haha, right now, my research is my baby.

o btw, my topic is this: (wording is quite tentative pa though) Loop-Mediated Isothermal Amplification Technique (LAMP) as a Diagnostic Tool for Malaria in the Philippines

yepyep. im the future malaria god. yeeey :)

blink

Posted at 07:50 pm by uno_faddens
(1)X BETTER! hehe!  

 
Monday, August 30, 2010
refuge
yesterday, while talking to a blogger friend, he told me to check what will appear if i google my name.

so i did.

and i can't actually believe that after doing that, i shall find myself crying over some mushy stuff people said about me in their blogs. gosh, i feel so much love around me i can't believe why i've been wasting precious tears for people who can't even see that i am such a keeper. that's my making buhat my bangko. but then, seriously, why mope and get sad if there are so many people around you who can actually compensate for the happiness that you cant find from a special someone. after all, im a lovable person, it's their loss, certainly not mine.

:)

and you know what, right now, i actually feel happy. and i guess this is it, me moving on. me opening a brand new chapter of my life. which kinda sucks saying because its such a cliche but yes, another chapter. and i know, this one, it will be all about love for myself and love for the people, my friends and family, who can give me all the love that i need, who can drown me with their hugs and kisses without asking anything in return.

today, i am going to chronicle my life so i can look back in the future, and see how much i've grown.

blink

blogdrive is crappy. but it's home. and this is my refuge.

Posted at 08:32 pm by uno_faddens
(1)X BETTER! hehe!  

 
Sunday, August 29, 2010
nagbabalik ako sa piling mo.
i am going back to you blink, my first love.

maraming panahon, nakakalimutan ko kung sino nga ba ako. kadalasan, sinusubukan kong lumakad gamit ang mga sapatos na hindi naman sukat sa akin, sinusuot ang mga damit na hindi naman sumasalamin sa katauhan ko, na para bang sa araw-araw na ginawa ng Diyos, pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa isang pagkataong hindi naman ako.

20 na ako. madalas, nagagalit ako sa mga tao sa tuwing ituturing nila akong bata, hindi kayang tumayo sa sariling paa, madalas padalus-dalos, madalas madapa. Paulit ulit, isang bata na parang aabutin yata ng habambuhay bago matuto. Nagagalit ako kasi hindi nila nakikita na iba ako sa karamihan, ibang-iba.

Sa mga nakalipas na taon, sinubukan kong hanapin ang sarili ko. Ilang damit din ang aking hinubad, ilang sapatos din ang sinukat. Mahirap lang kasi ang department store ng buhay ko, walang mahusay na sales lady na maaring sumalo sa akin sa oras ng kalituhan. Sa totoo lang, ang araw-araw na ginawa ng Diyos para sa akin ay parang isang tuluy-tuloy na pagsusulit na sumusubok sa kasiguruhan ng pagkatao ko. At kailanman, wala ni isang tao ang makakatulong sa akin kung hindi ang sarili ko.

Sa umaga, imumulat ko ang aking mata at muling hahanapin ang dahilan kung bakit ko ginugugol ang panahon ko para sa akademiya. Madalas, masyado akong nagmamadali para mahanap pa ang rason na iyon. Madalas, naisasantabi ko ang mga bagay na nagpapalakas ng loob ko sa araw araw. Madalas, nakikiayon na lang ako sa takbo ng araw-araw. Nakalimutan ko na si blink na matibay ang loob, si blink na mahinahon, na malalim mag-isip at hindi nagpapadala ng emosyon.

Sa mga nakaraang araw, sinubukan ng Panginoon ang tatag ng aking pagkatao. Sa loob ng pitong araw, naranasan kong umibig at masaktan ng paulit ulit, ang makalimutan ang sarili para lumigaya, ang magpaloko sa halina ng pag-ibig para bigyan ng pagkakataong makaramdam ang sarili, ang hindi maging bato, ang hindi maging isang robot na walang saysay sa mundo kung hindi pagsilbihan ang tao, hindi isang robot na de susi, kung hindi isang tao na may kakayahang umibig at masaktan.

20 na ako. bata pa. at bumabalik ako sayo, blink. at kagaya ng dati, mamahalin ko na muli ang aking sarili.

blink



Posted at 12:38 am by uno_faddens
STILL NOT GETTING ANY BETTER  

 
Monday, August 16, 2010
forever late
ay ayan late na late nanaman ako for 4pm class. magaling magaling. kahit isang tambling lang si blink mula sa upmed. wala pa syang napapasukan na klase kung saan hindi sya late. magaling magaling.

_*blink

nakakabato kapag walang pressure mula sa exams. or kapag ang layo ng deadlines. eh bakit ba ganon? haha. grabe na rin ang pagproprocrastinate ko. i therefore conclude that i should go offline now. ktnxbye!

Posted at 04:40 pm by uno_faddens
STILL NOT GETTING ANY BETTER  

 
Saturday, August 07, 2010
killer
i wanna write something to tell you what happened this day.

pero ito lang masasabi ko.

im so tired.

go look at my facebook photos na lang to summarize my day.

i killed a lot of rats today. :((

blink

Posted at 01:08 am by uno_faddens
STILL NOT GETTING ANY BETTER  

 
Monday, August 02, 2010
paalam
hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon na lang kadalang ang paguwi ko sa bahay namin sa naic. sa totoo lang, malapit lang naman ito sa maynila. kung tutuusin, napakswerte ko hambing sa mga kaibigan kong dagat ang kanilang pagitan sa kanilang mga tahanan.

noong isang linggo, lumisan ang kuya ko para mangibang bansa. hindi ako nakasama para ihatid siya. isang buwan na rin ang nakalipas noong huli ko siyang makita at maaring sa susunod na taon pa muling magtagpo ang landas naming magkapatid. hindi magkalapit ang loob namin ni kuya pero mahal ko siya.

tinext ako ni mama isang araw pagkaalis ni kuya, iyak daw ng iyak ang kapatid ko. sana raw naging matapang din ang kuya kagaya ko. malakas ang loob at matibay sa mga panahon ng kalungkutan kagaya ng paglisan sa pamilya para sa mas magandang buhay. ganoon si kuya, mukhang lider ng wolf pack, mukhang naghahamon ng away, mukhang basag-ulo. pero sa mata namin, mahina. takot sa dilim, takot maiwan mag-isa, takot sa totoong buhay.

ako. mukhang hindi makabasag pinggan. mukhang refined, reserved. mukhang walang imik at lampa. pero sa totoong buhay, independent, walang takot, walang inuurungan at war freak. at sa mga panahon na tinitingnan ko ang mga larawang iniwan ng kapatid ko, habang pinagmamasdan ang mga mata nyang namumugto, napabuntong-hininga na lang ako. kasabay ng pagpatak ng ilang luha mula sa mga mata kong minsan lang madiligan ng maalat na tubig na iyon, naiyak ako sa paglisan ng kapatid ko. naiyak ako dahil ako dapat iyon. ako dapat ang lilisan.

hindi magkalapit ang loob namin ni kuya... pero mahal ko siya, walang duda.

_*blink

habang naglalakad sa munti naming lupain sa probinsya, nakita kong pinutol na pala ang paborito kong puno ng mangga. sa punong iyon ko minemorize ang salutatory speech ko nung elementary at valedictory speech ko nung high school. una kong naging audience ang mga nahihinog na mangga sa puno. sila ang unang nakarinig sa mga munti kong pangarap.

at kanina, nagpaalam din ako sa kanila.






Posted at 01:32 am by uno_faddens
STILL NOT GETTING ANY BETTER  

Next Page